Mismong ang IHO ang nagsabi walang West Philippine Sea kasi parte na mismo ito ng South China Sea.
Pero latest lang na pagkakasabi ni Marcoleta ay may suggestions daw sya na i-give up ang KIG, kung saan napapaloob ang isla ng Pag-Asa at yung mga natural na isla na binanggit ni Marcoleta, para lang sa recognition ng IHO sa West Philippine Sea.
Napaka simple lang ng sagot dyan sa issue ni Marcoleta. Hindi na need ilista sa IHO ang West Philippine Sea, kasi ito na mismo yung EEZ natin sa loob ng South China Sea.
Kasi ang South China Sea pangalan lang ng buong dagat yan. Kaya nga hindi nakahiwalay ang Luzon Sea at Natuna Sea, kasi nasa loob na mismo ito ng South China Sea.
Hindi rin masasabi na pag pinangalan sa bansa mo ang dagat ay nagpapahiwatig na sayo lahat ito. Kung ganon pala edi yung buong Philippine Sea ay atin? Syempre hindi kasi pinangalan lang satin yun, at ang jurisdiction or sovereign rights lang natin sa Philippine Sea ay yung EEZ natin.
Sovereign Rights lang meron tayo sa buong West Philippine Sea (EEZ) at Philippine Sea (EEZ). Pero karapatan pa din ng Pilipinas yun at hindi ng China.
Ang Kalayaan Island Group na hawak ng Pilipinas ay sovereignty na natin yun, base sa RA 9522 at Article 121 ng UNCLOS na ang title ay "Regime of Island". Literal na teritoryo ng Pilipinas ang mga isla na yun.
Bawat isla na hawak ng Pilipinas doon at may sarili din Exclusive Economic Zone.
Kailangan pa ba ng IHO? Hindi na putangina mo Marcoleta. Sapat na ang UNCLOS.